^

Metro

Plastic magnate kinasuhan ng SSS

-
Sinampahan kahapon ng kasong paglabag sa SSS law sa Quezon City Prosecutor’s Office ang tinaguriang ‘plastic magnate’ na si William Gatchalian at iba pa nitong kasamahan kaugnay nang hindi pagbabayad ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Bukod kay Gatchalian, kasama rin sa kinasuhan ng SSS sa pamamagitan ni SSS Account Officer Emily Lim ang mga opisyal pa ng Plastic City Corporation, Valenzuela City na sina Dee Hua Gatchalian, Felino Canio, Leoncio Rosales, Salvador Olarte at Lourdes Ngo.

Ang mga nabanggit na opisyal ay inireklamo ng SSS dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon mula Enero hanggang Mayo 2002 na umaabot sa P182,230 kasama na rito ang penalty. Ayon sa SSS, ilang ulit na silang nagpadala ng demand letter sa naturang kompanya para magbayad ngunit patuloy na hindi inaaksiyunan ang nabanggit na utang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ACCOUNT OFFICER EMILY LIM

DEE HUA GATCHALIAN

FELINO CANIO

LEONCIO ROSALES

LOURDES NGO

PLASTIC CITY CORPORATION

QUEZON CITY PROSECUTOR

SALVADOR OLARTE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

VALENZUELA CITY

WILLIAM GATCHALIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with