Killer ng trader timbog, 2 pa tugis
March 22, 2004 | 12:00am
Isang lalaki ang nadakip ng mga tauhan ng Central Police District-Kamuning station habang dalawa pa ang pinaghahanap matapos itong ituro na siyang sumaksak at pumatay sa isang negosyante kamakailan sa Quezon City.
Walang piyansang inilaan sa suspect na si Rodrigo Bragas y Guinoldan, 41, driver, tubong Buenavista, Agusan del Norte matapos nitong mapatay si Dominado Cuya y Catorse, ng 15-A Ermin Garcia St. Brgy. Pinyahan ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay SPO3 Rolando Noguera, may hawak ng kaso, si Bragas ay nadakip sa kanyang bahay sa Rizal kamakailan at positibo namang itinuro ng saksing si Virgilio Jarudal.
Nauna rito, lumilitaw na ginantihan ng suspect ang biktima matapos na magkasagutan ang mga ito hinggil sa pagbabawal ng huli sa una na pumasok sa tirahan ng tiyuhin nito.
Ang tiyuhin ng suspect na si Palong Guinoldan na nooy nakaburol ay dating tumira sa paupahang kuwarto ng biktima subalit namatay ng hindi man lamang umano nakababayad ng utang kay Cuya.
Ang kuwarto na kinalalagyan ng gamit ni Guinoldan ay pansamantalang kinandado ng biktima na ikinagalit ng suspect. Tumanggi din ang biktima na papasukin ang suspect sa kuwarto hanggang sa pagbantaan na nito si Cuya.
Dahil dito, dakong alas-4:15 ng madaling araw ng Marso 13 nang isagawa ng suspect ang krimen, subalit nakita naman ito ng saksing si Jarudal pati na rin ang pagtatapon nito sa ilog ng balisong.
Agad na nagsagawa ng follow up operation ang pulis hanggang sa matiklo si Guinoldan sa kanyang bahay sa Rizal. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest