Stampede sa mini zoo: 1 patay, 8 bata sugatan
March 22, 2004 | 12:00am
Isang 14-anyos na binatilyo ang namatay samantalang walong bata pa ang malubhang nasugatan makaraang mag-unahan ang mga ito sa pagligo sa swimming pool at mabagsakan ng malaking gate sa pagbubukas ng isang mini zoo kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Raymund Aviles, 2nd year high school student, samantalang ginagamot din sa nasabing ospital sanhi ng mga bugbog at bali sa katawan sina Raquel Estaque, 12; Jennifer Sarmiento, 13; Judita Sarmiento, 13; Ronalyn Hoya, 8; Jun Jun Saol, 12; Mark Anthony Castillo, 12; Liezel Baute, 7 at Mary Jane Aliman, 12.
Ayon kay PO1 Joy Dacena may hawak ng kaso, dakong ala-1:15 ng hapon ng magpuntahan ang mahigit 500 kabataan para sa pagbubukas ng Pasig Mini Zoo at Water Park, Rain Forest na matatagpuan sa Brgy. Maybunga ng nasabing lungsod kung saan libre ang pagpasok at pagligo sa swimming pool.
Nabatid na bahagya lang binuksan ang gate kung saan nandoon ang swiming pool para makapasok ang mga bata ng isa-isa, subalit nainip ang ibang bata na makapaligo kung kaya nagkaroon ng tulakan at kaguluhan para makapasok lang sa loob ng swimming pool at hindi na nakontrol ng mga nagbabantay.
Ang ibang bata naman ay nagsimula ng umakyat sa anim na talampakang taas ng gate para lang makapasok hanggang sa bumigay ang malaking gate at nadaganan ang mga biktima at tapakan pa ang ibang bata.
Mabilis namang isinugod ang mga nadaganang mga bata sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot pa ng buhay si Aviles. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am