^

Metro

PISTON di sasama sa transport strike

-
Hindi sasama ang mga pampasaherong jeep sa ilulunsad na transport strike ng mga pampasaherong bus sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sinabi ni Mar Gavida, pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na hindi sila makikisimpatiya sa ‘tigil- pasada’ na gagawin ng Provincial at Metro Manila buses dahil sa hihintayin muna nila ang magiging desisyon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Marso 25 hinggil sa petisyon nilang pagtataas sa pasahe.

Ayon pa dito, malamang na ma-technical lamang sila kung sasama sila sa strike lalu na’t may koordinasyon nang ginawa ang LTFRB sa kanilang grupo at iba pang samahan ng mga pampasaherong jeep.

Kahapon din, tinagubilinan ng LTFRB board ang 50 franchise holder ng jeep na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi sila maaaring tanggalan ng prangkisa dahil sa pagsasagawa ng transport strike noong nagdaang Marso 1.

Iisa ang argumento ng mga provincial at Metro Manila buses, maging ang mga jeep na payagan silang makapagtaas ng pasahe dahil sa sunod-sunod namang pagtaas ng presyo ng gasolina, spare parts at maintenance fee.

P1.50 ang fare increase petition ng jeep at P2.00 naman ang hingi sa mga bus. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CRUZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MAR GAVIDA

MARSO

METRO MANILA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with