^

Metro

Fil-Chinese sugatan sa holdap

-
Isang Fil-Chinese trader ang malubhang nasugatan matapos itong barilin ng isa sa tatlong lalaki na humoldap sa kanya at sa asawa nito, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktima na si William Chua, 40, ng Cuneta Avenue, Pasay City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kanang tagiliran.

Nabatid sa pulisya na naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa panulukan ng Shelle St. at Cuneta Avenue sa nabanggit na lungsod habang ang biktima kasama ang misis nitong si Estie at 6-anyos na anak ay galing sa pamimili sa isang shopping mall sa Baclaran, Parañaque.

Pauwi na umano ang pamilya Chua nang harangin ng mga suspect ang kinalululanan nilang sasakyan at saka tinutukan ng baril ang mga ito.

Kaagad na nilimas ng mga suspect ang alahas ng mag-asawa, pera at mga pinamili. Nagtangka namang manlaban ang biktima subalit naispatan ito at pinaputukan ng isa sa mga holdaper.

Mabilis na tumakas ang suspect lulan ng isang tricycle na walang plaka.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up operation sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BACLARAN

CHUA

CUNETA AVENUE

DIOS HOSPITAL

ISANG FIL-CHINESE

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

SAN JUAN

SHELLE ST.

WILLIAM CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with