Dalaga napatay ng binasted na manliligaw
March 20, 2004 | 12:00am
Makaraang biguin ang kanyang manliligaw, isang dalaga ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng huli, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktimang si Myla Seguerra, ng Barangay Holy Spirit, Nawasa Line, Republic Avenue, ng naturan ring lungsod.
Kasalukuyan namang nakapiit sa CPD-Criminal Investigation Unit ang suspect na nakilalang si Benedicto Regaspi, 27, ng 4041 Sitio Ugong, Valenzuela, habang inihahanda ang kasong murder laban dito.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi kamakalawa sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Lumilitaw na masugid na manliligaw ng biktima ang suspect at sumama ang loob nito ng makitang may kasamang ibang lalaki ang una.
Dahil sa matinding selos, naglasing si Regaspi at pinuntahan sa bahay ang biktima hanggang sa tutukan ng patalim at tinangkang gahasain.
Nanlaban ang biktima hanggang sa saksakin siya ng paulit-ulit ng suspect.
Binanggit pa ng suspect na hindi umano niya matanggap ang pambabasted ng biktima kung kayat nagawa niya itong patayin para hindi na pakinabangan pa ng iba. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended