^

Metro

Konseho sa Maynila di na mabuo-buo

-
Posibleng wala nang maipasang ordinansa ang mga konsehal ng Maynila bunsod sa hindi na pagpasok ng mga ito dahilan sa pagiging abala sa pangangampanya.

Ito ang nabatid nang wala namang naganap na sesyon sa Konseho dahil sa hindi pagdating ng mga konsehal at tanging sina Manila Vice Mayor Danny Lacuna, Manila 1st District Councilor Benjamin ‘Atong’ Asilo at Manila 6th District Councilor Lou Veloso ang ‘present’ sa session hall.

Lumalabas sa talaan ng konseho na sa pagpasok ng taong 2004, apat na beses lamang ang nabuo at nagkaroon ng session sa City Council ang mga konsehal.

May natitirang 14 session day ang Konseho subalit ayon na rin kay Lacuna na malabo nang makabuo ng quorum dahil abala ang karamihan sa mga konsehal dahil mga re-electionist kaya’t kailangan nilang mangampanya sa kani-kanilang mga distrito.

Bukod dito, tinamad na ang may 35 konsehal mula nang aprubahan nila ang kuwestiyonableng kontrata sa basura ng Leonel Waste Management na umaabot sa mahigit P.5 bilyon nitong Marso 11.

Napag-alaman pa na minadali ang pag-apruba sa kontrata ni Leonardo ‘Totoy’ upang makuha ang ‘goodwill money’ ng bawat konsehal na umaabot sa mahigit P100,000 bawat isa.

Tanging si Konsehal Asilo ang mag-isang tumutol sa kontrata sa paniwalang ‘disadvantageous’ ang naturang kontrata sa mga Manileño. (Ulat ni Gemma Amargo)

CITY COUNCIL

DISTRICT COUNCILOR BENJAMIN

DISTRICT COUNCILOR LOU VELOSO

GEMMA AMARGO

KONSEHAL

KONSEHAL ASILO

KONSEHO

LEONEL WASTE MANAGEMENT

MANILA VICE MAYOR DANNY LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with