Ang pagsalakay ay bunsod na rin ng isinasagawang follow-up operation ng CIU laban sa suspect sa pagpatay sa isang radio announcer ng DZAM na si William Castro, 42, sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa #6401 Phase II Bldg. 6, Sikatuna Bliss, ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay PO3 Joseph Diño, may hawak ng kaso, bagamat pinalaya ang 13 kalalakihan, sinampahan pa rin ang mga ito ng kasong vagrancy matapos na mahuli sa Quezon City Memorial Circle kamakalawa ng madaling-araw.
Subalit ayon kay Diño, wala sa 13 ang posibleng responsable sa pagpatay kay Castro. Gayunman, masuri pa rin nilang minamanmanan ang mga kilos ng mga ito.
Ayon naman kay Supt. Procopio Lipana, hepe ng CIU, ang paraan ng pagpatay ng suspect ay palatandaan na ito ay may sakit sa pag-iisip, sadista at may malaking galit sa mga bakla.
Pinagpaplanuhan din ng mga awtoridad kung sasalakayin ang mga gay bars na posibleng tambayan ng suspect. (Ulat ni Doris Franche)