^

Metro

Serial killer ng mga bakla tugis: Tambayan ng callboys sinuyod

-
Pinalaya na ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang 13 kalalakihan na pinaniniwalaang mga callboys matapos na arestuhin sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa sinasabing mga hang-out ng mga ito sa Quezon City.

Ang pagsalakay ay bunsod na rin ng isinasagawang follow-up operation ng CIU laban sa suspect sa pagpatay sa isang radio announcer ng DZAM na si William Castro, 42, sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa #6401 Phase II Bldg. 6, Sikatuna Bliss, ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO3 Joseph Diño, may hawak ng kaso, bagamat pinalaya ang 13 kalalakihan, sinampahan pa rin ang mga ito ng kasong vagrancy matapos na mahuli sa Quezon City Memorial Circle kamakalawa ng madaling-araw.

Subalit ayon kay Diño, wala sa 13 ang posibleng responsable sa pagpatay kay Castro. Gayunman, masuri pa rin nilang minamanmanan ang mga kilos ng mga ito.

Ayon naman kay Supt. Procopio Lipana, hepe ng CIU, ang paraan ng pagpatay ng suspect ay palatandaan na ito ay may sakit sa pag-iisip, sadista at may malaking galit sa mga bakla.

Pinagpaplanuhan din ng mga awtoridad kung sasalakayin ang mga gay bars na posibleng tambayan ng suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

JOSEPH DI

PROCOPIO LIPANA

QUEZON CITY

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

SIKATUNA BLISS

WILLIAM CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with