Paslit pinagsayaw ng bala dahil sa saranggola
March 17, 2004 | 12:00am
Na-trauma at nilagnat ang isang 9-anyos na batang lalaki makaraang barilin ito ng isang empleyado ng Philippine Long Distance Telephone Co. habang kinukuha nito ang kanyang saranggola na sumabit sa bakuran ng bahay ng suspect kamakalawa sa Makati City.
Mabuti na lamang hindi tinamaan ng bala ang biktimang si Kevin Eugene Longakit, grade 3 pupil, nakatira sa #207 Sunrise St., Brgy. La Paz, ng lungsod na ito.
Nadakip naman ng pulisya ang suspect na si Daniel dela Rama, 40, binata, ng #2 Davila St., Brgy. La Paz, Makati City.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng tanghali sa compound ng bahay ng suspect sa nabanggit na lugar.
Nabatid na bumagsak at sumabit sa bakuran ng bahay ng suspect ang saranggola ng biktima.
Naging dahilan upang kunin ito ng bata at nang mamataan ng suspect, nagalit at kinuha nito ang kanyang nakatagong kalibre 9mm na baril.
Ilang beses na pinaputukan ng suspect ang biktima sa kanilang bahay at halos hindi ito makausap ng kanyang mga kaanak.
Pagkaraan ng ilang oras, natauhan ang bata at saka nito naipahayag na pinaulanan siya ng bala ng suspect.
Dahil sa matinding trauma ng biktima, nilagnat ito kayat humingi ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa mga tanod at pulis na naging dahilan sa pagkakadakip ng suspect na si dela Rama. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended