1 patay, 2 sugatan sa bigong holdap
March 17, 2004 | 12:00am
Isang security guard ang nasawi habang dalawa pa niyang kasamahan ang nasa kritikal na kondisyon makaraang makipagpalitan ng putok ang mga ito nang tangkaing holdapin ng anim na holdaper ang isang armored van na magdedeposito sana ng pera sa isang banko, kahapon ng hapon sa Mandaluyong City.
Nakilala ang nasawi na si Elmer Corintro, habang sugatan naman sina Aaron Lagindan at Panny Villaroman.
Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon habang magdedeposito sana ng pera ang armored van, may plakang XLV-440 sa AMA Bank Head Office na nasa kahabaan ng Shaw Blvd. ng lungsod na ito. Pagbaba pa lang ng nasabing armored van, ang tatlong sekyu nang bigla itong pagbabarilin ng mga suspect sakay ng berdeng L-300, may plakang PPA-678 at Toyota Corolla na may plakang TJB-870.
Mabilis namang isinara ng tatlo pang sekyu ang armored van at nakipagpalitan din ng putok sa mga suspect.
Napilitang tumakas ang mga suspect at pinasibad ang gamit na mga sasakyan na inabandona sa San Juan, MM.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang pagkakahuli sa mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended