Mag-live-in natagpuang patay
March 17, 2004 | 12:00am
Palaisipan sa pulisya kung nagpakamatay o pinatay ang isang mag-live-in partner makaraang matagpuan ang bangkay ng mga ito kung saan nakitang nakabigti ang lalaki, habang tadtad naman ng saksak ang babae, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:45 ng gabi nang matagpuang nakabigti si Antonio Resurreccion, 58, habang limang saksak naman sa dibdib ang natamo ni Maricel Apolonias, 33, sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay sa Namayapa Compound, Brgy. North Fairview, Quezon City.
Ayon kay PO2 Joseph Dino, dalawang anggulo ang kanilang tinitingnan ito ay ang pagnanakaw at ang isa ay ang pagpapakamatay ng lalaki kung saan idinamay nito ang kanyang live-in partner.
Gayunman sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na gusto nang humiwalay ni Apolonias, ngunit ayaw namang pumayag ni Resurrecion kayat posible umanong sinaksak muna ang babae bago tuluyang nagpakamatay.
Hindi rin naman inaalis na posibleng may naganap na foul play sa pagkamatay ng dalawa dahil nawawala ang halagang P28,000 na napanalunan ni Apolonias sa loteng.
Nakitaan din ng butas ang bubong ng bahay ng mga biktima na posibleng dinaanan ng mga magnanakaw.
Posible din umanong pinatay muna si Resurrecion at binigti kung saan nakita ito ni Apolonias kung kayat ito naman ang pinagsasaksak ng ilang ulit ng hindi pa nakikilalang mga suspect at palabasin na nag-suicide ang una at idinamay ang babae.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang tunay na pangyayari. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended