Ayon kay NCRPO chief Director General Ricardo de Leon, malaki ang maitutulong ng mga barangay tanod sa pagsugpo ng kriminalidad dahil mas kilala ng mga ito ang kanilang mga kapitbahay na sangkot sa mga iligal na aktibidades.
Mas epektibo din ang intelligence network ng mga barangay tanod kung kayat madaling matukoy ang mga pinaghihinalaang kilabot ng mga lugar sa Metro Manila.
Naniniwala si de Leon na sa pagtutulungan ng mga pulis at barangay tanod madaling masusugpo ang mga krimen at tuluyan nang magbabalik ang tiwala ng publiko sa mga opisyal ng pamahalaan. (Ulat ni Doris Franche)