Pulis umabuso sa 'no plate,no travel police,timbog sa kotong
March 14, 2004 | 12:00am
Isang bagitong pulis na umanoy umabuso sa pagpapatupad ng "No plate, No travel" policy ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang inaresto ng mga awtoridad makaraang kikilan ang dalawang driver na hinuli dahil sa kawalan ng plaka ng minamanehong nilang tricycle, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, ang dinakip ay si PO1 Randy Gallardo na positibong itinuro ng mga biktimang sina Efren Asuncion at Orlando Francisco ng Murphy, Cubao, na nanghihingi sa kanila ng tig-P1000 kapalit ng kanilang kalayaan.
Ayon pa sa ulat, pinahinto ni Gallardo ang dalawa sa panulukan ng Pelaez at Boni Serrano St. sa Quezon City dahil sa umanoy kawalan ng plate number alinsunod sa ipinatutupad ng "No plate, No travel" policy.
Gayunman, inalok ng pulis ang dalawa na magbayad na lamang sa kanya ng tig-P1,000 at sila ay makakalaya na.
Si Gallardo ay kasalukuyang nakapiit sa CPD-Project 4 police station at inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended