^

Metro

Fish kill sa manila Bay dahil sa drainage

-
Ibinulgar kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mga drainage na nasa apat na bahagi ng Manila Bay ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ‘fish kill’ sa nabanggit na baybayin.

Sa isang panayam, sinabi ni Malcom Sarmiento, hepe ng BFAR, agad na nagsagawa ng sample sa tubig ng Manila Bay ang ahensya at nalaman nila na ang bacteria na likha ng mga drainage sa Manila Bay ang dahilan ng paglutang ng mga isda sa dagat na ito.

May 5 tonelada anya ng isda, karamihan ay isdang banak ang lumutang at nangamatay dito at maaaring masundan pa kung hindi agad mareresolba ang naturang problema.

"Naubusan kasi ng oxygen ang bahagi ng Manila Bay, ito ay dahil sa tumaas na antas ng bacteria na nilikha ng mga drainage na nasa baybayin. Yun kasing mga bacteria ay nakikipagkumpitensya sa mga isda sa paggamit ng oxygen kaya dahil sa dami ng bacteria, wala nang oxygen para sa ibang isda kaya’t ang mga ito ay nangangamatay," dagdag ni Sarmiento.

Batay anya sa isinagawang water sample dito, patuloy ang pagtaas ng antas ng bacteria sa Manila Bay, partikular sa bahagi ng CCP at Manila Yatch Club dahil sa apat na drainage outlets sa may kanal sa may Central Bank at Rizal Monument. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BATAY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CENTRAL BANK

CRUZ

MALCOM SARMIENTO

MANILA BAY

MANILA YATCH CLUB

RIZAL MONUMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with