Nabatid na tinangkang buwagin ng anti-riot dispersal unit ng WPD ang linya ng mga nagwewelgang empleyado ng Sulpicio Lines kung saan sumiklab ang kaguluhan.
Nagkanya-kanyang takbuhan ang mga raliyista kung saan nag-akyatan ang mga ito sa dalawang barkong nakadaong.
Dito nadamay ang ibang mga empleyado na hindi kasali sa naturang welga kung saan lumabas na mistulang sila ang hinostage ng mga welgista.
Nabatid naman na tuluyang nangamatay na ang mga livestock na cargo ng Sulpicio Lines dahil sa apat na araw nang natigil ang paglalayag ng kanilang 21 barko.
Umaabot sa P40 milyon ang nalulugi sa Sulpicio Lines dahil sa pagwewelga ng mga empleyado.
Napuwersa naman ang management na ibalik na lamang ang bayad sa mga pasahero na bumili ng kanilang tiket ngunit hindi nakabiyahe dahil sa strike. (Ulat ni Danilo Garcia)