^

Metro

2 barko ng Sulpicio hinostage ng welgista

-
Mistulang hinostage ng mga nagwewelgang empleyado ng Sulpicio Lines ang dalawang barko nito matapos ang isang tangkang dispersal, kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.

Nabatid na tinangkang buwagin ng anti-riot dispersal unit ng WPD ang linya ng mga nagwewelgang empleyado ng Sulpicio Lines kung saan sumiklab ang kaguluhan.

Nagkanya-kanyang takbuhan ang mga raliyista kung saan nag-akyatan ang mga ito sa dalawang barkong nakadaong.

Dito nadamay ang ibang mga empleyado na hindi kasali sa naturang welga kung saan lumabas na mistulang sila ang hinostage ng mga welgista.

Nabatid naman na tuluyang nangamatay na ang mga livestock na cargo ng Sulpicio Lines dahil sa apat na araw nang natigil ang paglalayag ng kanilang 21 barko.

Umaabot sa P40 milyon ang nalulugi sa Sulpicio Lines dahil sa pagwewelga ng mga empleyado.

Napuwersa naman ang management na ibalik na lamang ang bayad sa mga pasahero na bumili ng kanilang tiket ngunit hindi nakabiyahe dahil sa strike. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DITO

MAYNILA

MISTULANG

NABATID

NAGKANYA

NAPUWERSA

PORT AREA

SULPICIO LINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with