Sa inilabas na listahan kahapon ng NCRPO at ng Commission on Election (Comelec) mas mataas ng 60 porsiyento sa 19 na hotspots na kanilang unang inilabas may dalawang buwan na ang nakakaraan.
Sa kabila naman nito, sinabi ni NCRPO chief Director Ricardo de Leon na magiging tahimik ang eleksyon sa darating na Mayo. Patuloy din umano ang pagpunta sa mga training at seminar ng kanilang mga tauhan bilang bahagi ng kanilang paghahanda.
Ang 13 areas of concern ay ang Barangay San Andres at District 1 sa Tondo, Maynila ; Barangay PUP sa Sta. Mesa at Barangay North Pier sa Maynila; Barangay Dagat-dagatan sa Navotas; Barangay Bayan-bayanan sa Malabon; Barangay Palo at Mabolo sa Valenzuela; Barangay Holy Spirit at UP-Diliman sa Quezon City; Barangay Pineda sa Pasig City, Barangay Bayanan sa Muntinlupa at Brgy. Maharlika sa Taguig.
Nabatid na wala pang namomonitor ang pulisya na private army group sa Metro Manila na maaaring gamitin ng ilang kandidato upang tiyakin ang kanilang pagkapanalo.
Nakahanda na rin umano ang pulisya sa pagsisimula ng kampanya ng mga local candidate sa Marso 25. (Ulat ni Edwin Balasa)