^

Metro

Magkapatid na trader patay sa holdap

-
Kapwa nasawi ang magkapatid na trader makaraang pagbabarilin ang mga ito ng apat na pinaniniwalaang miyembro ng hold-up/ robbery gang nang manlaban ang mga biktima sa grupo ng suspect, kahapon ng umaga sa Navotas.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan si Carmella Cinco-Chua, 44, may-ari ng Consignacion sa Navotas Fish Market at residente ng Limot St., Daang Hari ng nasabing bayan.

Namatay naman habang ginagamot sa UST Hospital ang kapatid nitong si Myra Cinco-Cruz, 46, na tinamaan ng bala ng baril sa batok na tumagos sa mukha nito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Pascual, Barangay San Jose, Navotas.

Ayon sa ulat, kagagaling lang ng magkapatid sa kanilang puwesto sa Navotas Fish Port at habang tinatahak ng mga ito ang naturang lugar lulan ng kanilang owner-type jeep na may plakang WFR-150 ay bigla na lamang silang hinarang ng apat na suspect.

Agad umanong tinutukan ng mga suspect ang magkapatid at pilit na kinukuha ang dala nilang bag na naglalaman ng malaking halaga ng salapi at mahahalagang gamit.

Nanlaban umano ang dalawang biktima kaya agad silang pinaulanan ng putok ng baril ng mga suspect.

Mabilis na tumakas ang mga salarin dala ang nakulimbat sa magkapatid na biktima.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso at ang pagtugis sa mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BARANGAY SAN JOSE

CARMELLA CINCO-CHUA

DAANG HARI

LIMOT ST.

MYRA CINCO-CRUZ

NAVOTAS

NAVOTAS FISH MARKET

NAVOTAS FISH PORT

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with