^

Metro

Number coding sa mga pampasaherong bus, aalisin

-
Pagtanggal ng number coding sa mga pampasaherong bus ang sagot ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) upang huwag lamang silang magsagawa ng pag-aklas at pigilan ang kanilang kahilingan na itaas ang pasahe.

Nabatid na inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si MMDA chairman Bayani Fernando na i-lift nito ang number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa lahat ng mga pampasaherong bus.

Bilang bahagi ng panunuyo ng pamahalaan sa transport group upang huwag silang mag-strike at huwag nilang igiit ang pagtaas ng pamasahe.

Base sa rekord ng MMDA, tinatayang mahigit sa 3,000 pampasaherong bus ang pumapasada sa kahabaan ng EDSA, kabilang dito ang mga kolorum.

Dahil sinuspinde ang pagpapatupad ng number coding o UVVRP sa mga public utility buses, madaragdagan ng 600- mga bus ang papasada sa EDSA.

Dahil din dito, inaasahang titindi ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila, lalo na sa kahabaan ng EDSA. (Lordeth Bonilla)

BAYANI FERNANDO

BILANG

DAHIL

KALAKHANG MAYNILA

LORDETH BONILLA

MANILA METROPOLITAN DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with