Si Niegas ay sangkot sa 8 kaso ng pangingidnap na kinabibilangan ng Maniquis KFR case at Tanchazy KFR case; Felipa Esteban KFR case, Lucia Viray KFR case; Letty Tan KFR case at Wilbert Uy KFR case at iba pa.
Hindi kinilala ang pangalan ng naturang impormante para sa kanyang seguridad.
Si Niegas ay naaresto noong Disyembre 4, ng nakaraang taon at iniharap ng Pangulo sa media noong Dis. 5.
Si Niegas ay may patong sa ulo na P1 milyon dahil sa kanyang direktang partisipasyon sa serye ng pangingidnap sa National Capital Region, Region 3 at 4. Miyembro siya ng Waray-Waray Gang. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)