Ayon kay NCRPO chief Director General Ricardo de Leon ang mga suspect na nakilalang sina Wilfredo Gantala, 35; Remy Cruz, 32; Espiridion Flores, 36 at Francis Cejalvo, 29.
Ayon kay de Leon sinita ng mga pulis Caloocan ang sasakyan ng mga suspect na Toyota FX na kulay maroon dahil sa kawalan ng plaka.
Nagpakilala ang mga suspect na tauhan ng CIDG at nagpakita pa ng plaka na matapos berepikahin ay napag-alamang peke.
Ito din ang naging daan upang halughugin ng mga pulis ang nasabing sasakyan, kung saan nasamsam ang mga ibat-ibang uri ng baril, granada, ibat ibang ID, dalawang red plates at P37,000 cash.
Matapos ang imbestigasyon nabatid na kahoholdap pa lamang ng grupo sa mag-asawang sina Rolando at Merlin Marquez sa Sto. Niño Meycauayan, Bulacan habang lulan ng kanilang sasakyan. (Ulat nina Doris Franche at Rose Tamayo)