^

Metro

4 engineering students arestado sa hazing

-
Apat na engineering student ng Mapua Institute of Technology (MIT) ang dinakip ng pulisya matapos na ma-comatose ang isa pang estudyante sa hazing ng kanilang fraternity, kahapon sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Robert Aladin, McRey Pepiten at Aurelio Galang, pawang mga opisyales at miyembro ng Samahang Ilocano Fraternity.

Samantala, ginawa namang state witness ng pulisya ang ikaapat na nadakip na suspect na si Paul Andrew Thomas na kusang sumuko sa pulisya.

Pinaghahanap naman ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Jose Cuello Jr. at James Asperel.

Nasa comatose naman sa loob ng United Doctors Medical Center ang biktimang nakilalang si Benjo Quirit.

Sa ulat ng pulisya, isinagawa ng naturang Samahang Ilokano ang kanilang hazing bilang bahagi ng initiation rites nitong nakaraang Sabado ng gabi sa loob ng bahay ni Thomas sa #1007 San Diego St., Sampaloc, Manila.

Dahil sa sobrang pahirap na dinanas sa malalakas na hampas sa katawan, nawalan ng malay si Quirit. Inakala naman ng mga suspect na umaarte lamang ito ngunit nang tuluyang hindi ito magkamalay ay agad nila itong isinugod sa pagamutan. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)

AURELIO GALANG

BENJO QUIRIT

DANILO GARCIA

GEMMA AMARGO

JAMES ASPEREL

JOSE CUELLO JR.

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

PAUL ANDREW THOMAS

ROBERT ALADIN

SAMAHANG ILOCANO FRATERNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with