^

Metro

3 paring Mormon kinasuhan ng rape

-
Ipinagharap ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang tatlong paring Mormon dahil sa umano’y panghahalay sa isang 19-anyos na dalagitang miyembro nito sa Muntinlupa City, kamakailan.

Sa isinumiteng complaint affidavit ng NBI sa DOJ, kinilala ang mga high priests na kapwa sa ilalim ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints na sina Gil Anthony Calianga, Rodrigo Reyna at Arturo Calianga.

Ang mga nabanggit ay kapwa nahaharap sa mga kasong abduction with rape at paglabag sa Presidential Decree (PD) 1829 o obstruction of justice matapos umanong dukutin at pagsamantalahan ang biktimang itinatago sa pangalang Aileen.

Sa ibinigay na salaysay ng biktima, isang college drop-out, na maraming beses siyang hinalay ng mga salarin sa magkakahiwalay na lugar.

Isinagawa naman sa DOJ kahapon ang preliminary investigation (PI) sa ilalim ng pamumuno ni State Prosecutor Zenaida Lim kung saan ay bibigyan ng pagkakataon ang mga akusado na ibigay ang kanilang mga depensa at argumento.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Violence Againts Women and Children Division Agent Olga I. Angustica ng NBI, naganap ang panggagahasa mula noong Hunyo 23, 2003 hanggang Nobyembre 9 ng nasabi ring taon kung saan ay pinagsamantalahan din ang biktima ng mga akusado sa Makati, Muntinlupa, Cagayan de Oro, Manila, Rizal at Laguna.

Ilang araw din itong ginawang sex-slave at dahil sa pananakot ng mga suspect kung kaya napilitan si Aillen na magtikom-bibig.

Bukod sa pagiging sex-slave ginawa ring katulong ng tatlo ang biktima kasama ang ilan pang mga babae at sapilitan din umanong pinalalagda sa isang affidavit of desistance.(Ulat ni Grace dela Cruz)

ARTURO CALIANGA

CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER DAY SAINTS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GIL ANTHONY CALIANGA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRESIDENTIAL DECREE

RODRIGO REYNA

STATE PROSECUTOR ZENAIDA LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with