Kargador tinodas ng kabaro
March 8, 2004 | 12:00am
Halos mabiyak ang ulo ng isang kargador makaraang hatawin ito ng kanyang kapwa kargador kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Rodney Duhay, 30, ng 33-E Sto. Cristo St. Brgy. Balingasa, Balintawak, Q.C. samantalang nakakulong naman sa Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang suspect na nakilalang si Alberto Semillano, 32, kargador at residente ng 17 F. Aguilar St. Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Romeo Tandas ng CPD-CIU, naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa North Diversion Road sa Camachile Brgy. Unang Sigaw ng nabanggit na lungsod.
Nakita umano ng mga saksi ang pagtatalo ng biktima at ng suspect subalit hindi naman nila ito pinansin hanggang sa matagpuan ni Harold Templo na nakahandusay ang una at naliligo sa sariling dugo.
Sinabi ng pulisya na ang pagkakabiyak ng ulo ng biktima ay palatandaan na hinampas ito ng isang matigas na bagay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended