Akyat-Bahay binoga ng police chief
March 8, 2004 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng akyat-bahay gang makaraang mabaril at mahulog mula sa ikalawang palapag ng bahay ng opisyal ng pulisya na kanyang ninakawan kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan at bali ang katawan ng suspect na nakilalang si Gamaliel Dacian, 31, tubong Cebu matapos itong mabaril ni Insp. Castro Olguera, 48, hepe ng Anti-Carnapping Unit ng Western Police District at nakatira sa 350 Eliseo Road, Brgy. Kalawaan, Pasig City.
Lumilitaw na pinasok ng suspect ang bahay ng pulis dakong alas-3:30 ng madaling araw kung saan nilimas nito ang alahas at pera na nasa kuwarto ng huli.
Kasalukuyan namang nagpapahinga si Olguera sa kabilang kuwarto nang maramdaman niya na may pumasok sa isa pang kuwarto.
Agad na kinuha ni Olguera ang kanyang service firearm at saka sinita ang suspect at sinabihan dumapa.
Subalit sa halip na sumunod sinugod ng suspect si Olguera na naging dahilan upang paputukan ito ng pulis.
Sa kabila ng tama ng baril sa katawan, tinangka pang tumakas ng suspect hanggang sa mahulog ito sa bintana na nasa ikalawang palapag. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest