^

Metro

3,000 water projects naitayo sa 19 lalawigan

-
Umaabot sa 3,000 water projects ang naisakatuparan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 19 lalawigan sa bansa alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maiahon sa kahirapan ang Filipino.

Ayon kay DILG Secretary Joey Lina, ang pagpapagawa ng mga nasabing water project ay dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Rural Water Supply and Sanitation Sector Project, Asian Development Bank, DILG at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kabilang dito ang pagpapagawa at rehabilitasyon ng deep well sa mga lalawigan na mahirap ang supply ng tubig.

Sinabi ni Lina na nakatitiyak na ang mga residente ng lalawigan ng Abra, Kalinga Apayao, Benguet, Ifugao,Moutain Province, Batanes, Aurora, Romblon, Masbate, Antique, Guimaras,Eastern Samar, Southern Leyte, Biliran,Agusan del Sur, Surigao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na malinis at ligtas ang supply ng tubig na kanilang iinumin at gagamitin sa pagluluto. (Ulat ni Doris Franche)

ASIAN DEVELOPMENT BANK

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DORIS FRANCHE

EASTERN SAMAR

KALINGA APAYAO

MOUTAIN PROVINCE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RURAL WATER SUPPLY AND SANITATION SECTOR PROJECT

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with