^

Metro

Pumaslang sa guro, tiklo

-
Hawak na ng pulisya ang isa sa dalawang suspect na pumaslang sa baklang teacher matapos na madakip ang una sa kanyang tahanan sa Caloocan City.

Nakilala ang naaresto na si Christopher Laysico, 17, amateur dancer, ng Phase 5, Package 5, Bagong Silang, Caloocan City at dating estudyante ng biktimang si Romeo Albano ng Bagong silang High School ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO1 Joselito Bagting, may hawak ng kaso, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang madakip ang suspect ng mga kagawad ng Caloocan City Police Sub Station 3 sa tahanan nito.

Agad namang itinurn-over si Laysico sa San Jose del Monte, Bulacan Police upang pormal na sampahan ng kasong murder sa piskalya ng lalawigan kung saan positibong kinilala siya ng isang saksi na kasama ni Emil Fegura, 21, nang isagawa ng mga ito ang karumal-dumal na pagpaslang sa biktima. Matatandaang si Albano ay natagpuang patay na nagtamo ng 12 saksak sa katawan at palo sa ulo dakong alas-2 ng hapon noong Pebrero 21, 2004 sa Siudad Real, Tungko, San Jose del Monte, Bulacan malapit sa isang ilog ng naturang lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BULACAN POLICE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE SUB STATION

CHRISTOPHER LAYSICO

EMIL FEGURA

HIGH SCHOOL

JOSELITO BAGTING

ROMEO ALBANO

ROSE TAMAYO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with