^

Metro

Umawat sa away, napatay

-
Naging mitsa ng buhay ng isang matandang binata ang ginawang pag-awat sa dalawang kapitbahay na babae na nag-aaway matapos na barilin at saksakin ng dalawang lalaki na kaibigan ng isa sa mga nagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Fatima Medical Cener sanhi ng mga saksak sa dibdib at tama ng bala sa katawan ang biktimang si Mamerto Maceda, 52, helper, ng Magustan Rd., Brgy. Potrero, naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang mga suspect na sina Nilo Sarabia, 39, at isang alyas ‘ET’, kapwa kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng University Avenue, Brgy. Potrero.

Una umanong nakitang nagtatalo ang dalawang babae na sina Rosalinda Mora at Melinda Molinao sa hindi malamang dahilan nang madaanan ng biktima.

Dahil sa kapwa kilala ay agad na umawat si Maceda ngunit nang naglalakad na ito pauwi ay sinalubong ni ET at kinompronta kung bakit nakikialam sa away ng mga babae.

Nang nagpapaliwanag ang biktima ay bigla itong pinagsasaksak ni ET ngunit nakatakbo ang biktima upang humingi ng saklolo. Nang makita naman ito ni Sarabia ay pinagbabaril naman ito.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang dalawang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BRGY

FATIMA MEDICAL CENER

MAGUSTAN RD

MALABON CITY

MAMERTO MACEDA

MELINDA MOLINAO

NANG

NILO SARABIA

ROSALINDA MORA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with