^

Metro

4 na LTO officials,timbog sa kotong

-
Apat na matataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang nasakote sa isang entrapment operation kamakalawa ng hapon matapos na ireklamo ng pangongotong ng apat na drivers.

Nakilala ang mga dinakip na sina Erick dela Peña, 26; Reynaldo de Guzman, 49; David Estuyo, 40 at ang hepe ng mga ito na si Col. Jerry Horlador ng LTO deputized agents ng LTO Pasay City.

Ang apat ay inireklamo ng apat na driver kabilang dito si Franklin Biu, 48, ng Makati City.

Ayon sa mga nagreklamong driver, humihingi ang mga nabanggit na LTO officials ng P1,500 mula sa bawat isa sa kanila maliban pa sa buwanang komisyon mula sa mga kolorum na drivers.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang mga biktima sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na agad namang nagtakda ng isang entrapment operation kamakalawa ng hapon.

Sa pangunguna ni Atty. Eduardo Villena, hepe ng legal division ng PAOCC huling-huli sa akto ang mga suspect sa pagtanggap ng halagang P3,000 marked money mula sa mga nagreklamong driver kaya’t agad na dinampot ang mga ito. (Ulat ni Anna Sanchez)

ANNA SANCHEZ

DAVID ESTUYO

EDUARDO VILLENA

FRANKLIN BIU

JERRY HORLADOR

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAKATI CITY

PASAY CITY

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with