Malaysian national, 7 pa timbog sa sindikato ng fake credit cards
February 29, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa mga awtoridad ang isang Malaysian nationals na hinihinalang kasapi ng isang fake credit cards syndicates at pito pa nitong kasabwat na Pinoy matapos na mahuli sa aktong namimili sa isang shopping malls sa isinagawang operasyon sa Makati City.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Ricardo de Leon ang nasakoteng dayuhan na si Toi Kok Soon, 20 , binata, at pansamantalang nanunuluyan sa 17th Floor, City Gardens Hotel sa Manila.
Ang iba pang nadakip ay nakilalang sina Isabel Alapad, 51; Rolando Conson, 45; Roberto Labra, 41; Marilou de Guzman, 50; Ludy Bondoc, 46; Raffy Briones, 25 at Wilfredo Crudoy.
Ayon kay de Leon ang mga suspect ay nadakip pasado alas-11 ng tanghali sa loob ng Glorietta Malls sa Makati City habang namimili gamit ang mga pekeng credit cards.
Nabatid sa opisyal na nakatanggap sila ng operasyon hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspect at matapos na maberipikang positibo ang ulat ay isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakabitag sa mga ito.
Nasamsam mula sa mga suspect ang sari-saring uri ng mga pekeng credit card na kinabibilangan ng limang HSBC visa credit card, dalawang Citibank visa credit cards, dalawang Standard Chartered Master Card at tinatayang mahigit P15,000 sari-saring produkto na napamili ng mga ito gamit ang nasabing mga walang bisang credit cards.
Sinabi ni de Leon na ang grupo, base sa kanilang intelligence report ay may koneksiyon umano sa isang international credit card fraud syndicates na aktibong nag-ooperate sa Metro Manila na nambibiktima ng mga inosenteng sibilyan kung saan sa loob lamang ng anim na buwan ay marami nang mga establisimiyento at mga indibidwal ang kanilang nabiktima.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 8484 na mas kilala bilang Access Devices Regulation Act of 1998 laban sa nasabing dayuhan at mga kasabwat nitong Pinoy. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am