Ayon kay PNP chief Director General Hermogenes Ebdane ang nasabing pinsala ay inaasahang tataas pa habang patuloy ang pag-iimbentaryo sa mga nasunog na armas, bala at mga eksplosibo.
Magugunitang sa naganap na insidente apat ang nasugatan matapos na magmistulang war zone ang kinaroroonan ng mga nasusunog na armory ng PNP.
Kasabay nito, ipinag-utos din ni Ebdane ang pagsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng gusali sa loob ng kampo.
Sa ginanap na press conference kahapon, inamin ng PNP chief na karamihan sa mga gusali sa Camp Crame ay gumagamit ng mga lumang klase ng fuse box na delikado sa sunog kapag naapektuhan ang kable ng kuryente.
Nauna nang pinawi ni Ebdane ang mga ulat na sabotahe ang naganap na sunog kasabay nang pagsasabing ito ay isang aksidente.
Dahil dito, iniutos din ni Ebdane na sa bagong gusali ng Ordnance Division na lamang iimbakin ang lahat ng klase ng mga bala, armas at eksplosibo.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na sunog na inaasahang magpapalabas na ng resulta sa lalong madaling panahon. (Ulat ni Joy Cantos)