Nakilala ang mga nadakip na sina Allan Dipalac, 26; Marvin Anzalo, 25; Peter Dino Crooz, 19; Joseph Cunanan, 19 at E-Jay Dulay, 17.
Ang kanila namang biktima ay si Jonathan Hernandez, 25, ng Pasong Tamo Tower, Don Chino Roces Avenue, Makati City. Nagtamo ito ng ilang saksak sa katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Ayon sa ulat ni Parañaque City chief of police Supt. Ronald Estilles na namataan ng kanyang mga tauhan ang isang 4-door Honda Civic na may plakang TLL-469 sa may Barangay Santo Niño, Parañaque City.
Naghinala sila na ang naturang sasakyan ay carnapped vehicle kung kayat sinita ang mga lulan nito na may kahina-hinala ring kilos.
Sa isinagawang berepikasyon ng mga pulis, nadiskubre na ang nabanggit na sasakyan at cellphone na nakuha sa mga suspect ay pag-aari ng pinaslang na si Hernandez.
Dahil dito, kung kayat mabilis na dinakip ang mga suspect. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Joy Cantos)