^

Metro

5 killer ng freelance producer,timbog

-
Limang kalalakihan na responsable sa pagpatay sa isang freelance commercial at movie producer sa Makati City noong Pebrero 22 ng taong kasalukuyan ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nadakip na sina Allan Dipalac, 26; Marvin Anzalo, 25; Peter Dino Crooz, 19; Joseph Cunanan, 19 at E-Jay Dulay, 17.

Ang kanila namang biktima ay si Jonathan Hernandez, 25, ng Pasong Tamo Tower, Don Chino Roces Avenue, Makati City. Nagtamo ito ng ilang saksak sa katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa ulat ni Parañaque City chief of police Supt. Ronald Estilles na namataan ng kanyang mga tauhan ang isang 4-door Honda Civic na may plakang TLL-469 sa may Barangay Santo Niño, Parañaque City.

Naghinala sila na ang naturang sasakyan ay carnapped vehicle kung kaya’t sinita ang mga lulan nito na may kahina-hinala ring kilos.

Sa isinagawang berepikasyon ng mga pulis, nadiskubre na ang nabanggit na sasakyan at cellphone na nakuha sa mga suspect ay pag-aari ng pinaslang na si Hernandez.

Dahil dito, kung kaya’t mabilis na dinakip ang mga suspect. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Joy Cantos)

ALLAN DIPALAC

BARANGAY SANTO NI

DON CHINO ROCES AVENUE

E-JAY DULAY

HONDA CIVIC

JONATHAN HERNANDEZ

JOSEPH CUNANAN

JOY CANTOS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with