^

Metro

Habambuhay sa 2 ASG na kidnaper ni Schilling

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Pasig City Regional Trial Court laban sa dalawang miyembro ng Abu Sayyaf na dumukot sa Amerikanong si Jeffrey Edwards Schilling mahigit tatlong taon na ang nakalipas.

Inutusan rin ni Judge Alex Quiroz ng Branch 156 ang mga akusadong sina Muhammad Amin Ajijon at Hector Janjalani, kapatid ni ASG leader Khadaffy Janjalani, na bayaran ng P200,000 ang biktima bilang moral damages.

Sa testimonya ni Schilling, sinabi nito na dumating siya sa Zamboanga noong Marso 2000 upang maghanap ng mapapangasawa. Natagpuan niya si Ivy Osani na pinsan ni Ajijon at pamangkin ni Abu Sabaya, isa sa lider ng ASG.

Binanggit pa nito na inimbitahan siya at ang kanyang asawa ni Sabaya noong Agosto 28, 2000 para pumunta sa Jolo na kanila namang pinaunlakan, subalit lingid sa kanyang kaalaman ay doon na siya inipit ng grupo.

Nakipagnegosasyon ang grupo sa Amerika na pakawalan ng mga ito ang bihag na si Sheikh Omar Abdul Rakman, Ramsey Yusef at Abu Haydar na suspect naman sa pambobomba sa World Trade Center kapalit ng kalayaan ni Schilling.

Humihingi din ang grupo nito sa US Embassy sa Maynila ng halagang $10 milyon bilang ransom. Tumanggi namang magbigay ng ransom ang US dahil sa polisidad nilang pinapatupad.

Halos walong buwang binihag ng ASG si Schilling na di naglaon ay nagkaroon ng pagkakataon na makatakas sa grupo.

Nadakip naman noong Disyembre 22, 2002 sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila si Hector, habang si Ajijon naman ay naaresto sa isang hotel sa Pagadian City noong Setyembre 15, 2001. (Ulat ni Edwin Balasa)

ABU HAYDAR

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

AJIJON

EDWIN BALASA

HECTOR JANJALANI

IVY OSANI

JEFFREY EDWARDS SCHILLING

JUDGE ALEX QUIROZ

KHADAFFY JANJALANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with