^

Metro

ID system, ipatutupad na sa Taguig

-
Upang maibsan ang lumalalang krimen sa bayan ng Taguig na ngayon nga ay binansagang ‘salvage capital’ sa Metro Manila dahil halos araw-araw ay may patayang nagaganap dito, mahigpit nang ipapatupad sa darating na buwan ng Marso ang ID system sa mga residente dito.

Ito ang inihayag kahapon ni Taguig Mayor Sigfrido Tinga, kasabay nang pag-amin na isa sa pangunahing problema nila dito ay ang sitwasyon ng peace and order.

Sinabi pa ni Tinga na maging siya ay naaalarma sa paglala ng krimen sa kanyang lugar, lalo na ang sunud-sunod na patayan dito.

Isa sa inireklamo naman ng alkalde ay ang kakulangan ng bilang ng kapulisan, sa kabila na malaki ang area nito at mataas ang bilang ng populasyon sa naturang bayan.

Dahil nga dito, ipapatupad nila ang ID system sa lahat ng mga residente.

Sa pamamagitan aniya ng sistemang ito ay kaagad na malalaman kung sino ang mga wanted sa batas at kung sino ang mga nasangkot sa krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

DAHIL

ISA

LORDETH BONILLA

MARSO

METRO MANILA

SINABI

TAGUIG

TAGUIG MAYOR SIGFRIDO TINGA

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with