Ito ang naging babala kahapon ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong sa kanyang mga tauhan matapos itong makatanggap ng ulat na mayroon itong ilang opisyal at mga tauhan na abala sa paninigarilyo at hindi napagtutuunan ng pansin ang kanilang mga trabaho.
Pinagmumulta din ni Bulaong ng P100 ang bawat isang pulis na lalabag sa kautusan na ang mga pangalan ay itatala sa log book sa mga presinto.
Kung muli itong mahuling naninigarilyo ang magiging kaparusahan na dito ay itatapon sa mga provincial outposts.
Iginiit ni Bulaong na masakit sa mata na makita ng publiko ang mga unipormadong pulis ay naninigarilyo lalo na sa oras ng trabaho kung kaya nawawalan ng tiwala at kumpiyansa ang mga mamamayan sa mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)