^

Metro

Pulis na mahuhuling nagyoyosi, pagmumultahin

-
Pagmumultahin na ang mga pulis na makikitang naninigarilyo habang nasa oras ng duty.

Ito ang naging babala kahapon ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong sa kanyang mga tauhan matapos itong makatanggap ng ulat na mayroon itong ilang opisyal at mga tauhan na abala sa paninigarilyo at hindi napagtutuunan ng pansin ang kanilang mga trabaho.

Pinagmumulta din ni Bulaong ng P100 ang bawat isang pulis na lalabag sa kautusan na ang mga pangalan ay itatala sa log book sa mga presinto.

Kung muli itong mahuling naninigarilyo ang magiging kaparusahan na dito ay itatapon sa mga provincial outposts.

Iginiit ni Bulaong na masakit sa mata na makita ng publiko ang mga unipormadong pulis ay naninigarilyo lalo na sa oras ng trabaho kung kaya nawawalan ng tiwala at kumpiyansa ang mga mamamayan sa mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BULAONG

CHIEF SUPT

GEMMA AMARGO

IGINIIT

PAGMUMULTAHIN

PEDRO BULAONG

PINAGMUMULTA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with