15-anyos na miyembro ng 'Diablos Junior' timbog
February 25, 2004 | 12:00am
Isang 15-anyos na binatilyo na miyembro ng notoryus na "Diablos Junior" ang inaresto ng pulisya habang nag-aabang ng kanyang mabibiktima, kahapon ng madaling-araw sa Quiapo, Manila.
Kinilala ni Supt. Romeo Sapitula ng Western Police District (WPD) Station 3 ang suspect na si Edwin Macaraeg, out-of-school youth (OSY), ng #752 Arroceros St., Manila.
Nabatid na naaresto ang suspect sa kahabaan ng Recto Avenue sa panulukan ng Matapang St. habang nag-aabang ito ng kanyang mabibiktima dakong alas-3 ng madaling-araw.
Isang impormante umano ang siyang nagbigay ng impormasyon kay Sapitula na nasa nasabing lugar ang grupo ng suspect at nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Dahil dito kung kayat mabilis na pinuntahan ang nasabing lugar at natiyempuhan ang grupo ng "Diablos Junior". Subalit mabilis na nagpulasan ang grupo at tanging si Macaraeg lamang ang naaresto.
Ayon kay Sapitula, ang suspect at iba pang kasamahan ang responsable sa cellphone snatching at panghoholdap sa mga pampasaherong jeepney sa naturang lugar.
Sinabi naman ng suspect na nais lamang nilang patunayan na karapat-dapat silang maging miyembro ng grupong "Diablos Junior" kung kayat sa kanilang murang edad ay natututo sila ng ibat ibang uri ng krimen upang mabuhay kahit na hindi sila tulungan ng kanilang mga magulang. (Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended