Hapones nilooban na, pinatay pa
February 25, 2004 | 12:00am
Pinatay muna sa saksak bago pinagnakawan ng apat na hindi nakikilalang kalalakihan ang isang Hapones, kahapon ng tanghali sa Taguig.
Patay na nang idating sa Cruz Rabe Hospital ang biktima na nakilalang si Yoshio Sato, supervisor ng Ebarra Corporation na matatagpuan sa #58 M.L. Quezon City, Barangay Wawa ng bayang ito. Ang biktima ay nagtamo ng dalawang saksak sa likod.
Kaagad namang tumakas ang mga suspect tangay ang hindi pa mabatid na halaga ng cash at alahas ng biktima.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:05 ng tanghali sa loob mismo ng pinamamahalaang Ebarra Corporation ng biktima.
Nabatid na kasalukuyang naka-lunch break ang mga kawani ng kompanya nang pasukin ng mga ito ang opisina ng biktima.
Ilang kawani na dinatnan doon ng mga suspect ang itinali ng mga ito hanggang sa tuluyang pasukin ang biktimang dayuhan. Malakas na pag-ungol na lamang ni Sato ang narinig ng ilan niyang tauhan, ilang sandali pa ay mabilis ng nagsitakas ang mga suspect.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am