^

Metro

PNP inalerto sa EDSA anniversary

- Nina Joy Cantos at Angie Dela Cruz -
Isinailalim kahapon sa heightened alert status ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila kaugnay ng pagdiriwang ngayong araw na ito ng ika-18 anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power 1.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Sr. Supt. Joel Goltiao, 2,000 puwersa ng pulisya at mga elemento ng AFP ang ipinakalat simula kahapon upang mahigpit na bantayan ang seguridad sa Metro Manila para tiyakin ang mapayapang selebrasyon ng EDSA 1.

Sinabi ni Goltiao na ipakakalat ang mga anti-riot policemen sa bisinidad ng EDSA Shrine sa Mandaluyong City kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga raliyista at mga dadalo sa okasyon.

Inihayag pa ni Goltiao na maliban sa National Capital Region (NCR) ay isinailalim din sa heightened alert ang mga kanugnog na lugar sa Metro Manila na kinabibilangan ng Region 3 at 4.

Kaugnay nito, sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Ricardo de Leon sa panayam ng PNP reporters na ipatutupad nila ang ‘maximum patience’ sa mga grupong nakatakdang magsagawa ng rally ngayong EDSA 1 anniversary.

Tiniyak ng opisyal na nakalatag na ang lahat ng kanilang inihahandang contingency plan kabilang na ang pagmamantine sa inaasahang malalang daloy ng trapiko.

Pinakiusapan naman ni de Leon ang mga makikilahok sa gagawing pagdiriwang ng EDSA 1 anniversary na huwag masyadong mag-concentrate sa EDSA.

Sinabi ni de Leon na maliban sa EDSA ay maaari ring gunitain ang okasyon sa iba pang lugar sa Manila tulad ng Baseco kung saan may gaganapin din ditong sibikong aktibidad.

Ipinaliwanag pa ni de Leon na pawang mga aktibidad sa pagdarasal ang isasagawa sa EDSA kaya’t mas makabubuting umiwas sa lugar ang mga grupong magra-rally kung wala rin lamang kaugnayan sa pananalangin ang kanilang gagawin.

vuukle comment

CHIEF P

DIRECTOR RICARDO

EDSA

GOLTIAO

JOEL GOLTIAO

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with