^

Metro

Bading na kumidnap, humalay sa paslit, arestado

-
Isang 20-anyos na bading na miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’ ang dinakip ng pulisya makaraang dukutin nito ang isang 7-anyos na paslit na inutusan niyang magpalimos sa kalye at hindi pa nasiyahan ay kanya ring inabuso sa Makati City.

Ayon kay Inspector Solitaire Reyes, hepe ng Women’s Children and Protection Desk ng Makati City police, nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang suspect na si Alvin Tolentino. Ito ay nahaharap sa kasong kidnapping, child exploitation at rape.

Nabatid na nauna dito, nasagip ng mga tauhan ng pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Cesar, ng Brgy. Tejeros, Makati City noong nakalipas na Pebrero 18.

Dakong alas-3:30 naman noong Sabado ng madakip ang suspect na si Tolentino sa kahabaan ng Ortigas Avenue, Mandaluyong City sa isinagawang follow-up operation.

Positibong itinuro ni Cesar ang suspect na siyang dumukot sa kanya noong nakalipas na Enero 28 habang ito ay naglalaro malapit sa kanilang bahay.

Inutusan umano ito ng suspect na mamalimos sa daan at pagkatapos ay kanyang pagsasamantalahan.

Binanggit pa ng pulisya na hindi lang si Cesar ang naging biktima ng suspect at ganito na umano ang modus operandi na ginagawa nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALVIN TOLENTINO

AYON

BINANGGIT

CHILDREN AND PROTECTION DESK

INSPECTOR SOLITAIRE REYES

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MANDALUYONG CITY

ORTIGAS AVENUE

SIGUE-SIGUE SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with