Pulis-Maynila binoga ang land lord, patay
February 24, 2004 | 12:00am
Binistay ng bala ng isang pulis-Maynila ang land lord nito matapos na mairita ang una sa huli nang iparada nito ang kanyang sasakyan sa harap ng inuupahang bahay ng pulis, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University Hospital bunga ng tinamong tama ng bala ng .9mm na baril sa dibdib at ibat ibang parte ng katawan ang biktimang si Alberto Rivera, 45, ng 105 Esperanza St., 10th Avenue ng nasabing lungsod.
Agad namang naaresto at nahaharap sa kaukulang kaso si PO1 John Palonson, 34, na nakatalaga sa WPD-District Mobile Force at naninirahan din sa nabanggit na lugar.
Nabatid na ipinarada umano ng biktima ang kanyang Volkswagen na sasakyan sa harap ng bahay ng suspect at nang makita ito ni PO1 Palonson ay agad itong lumabas sa kanyang inuupahan tangan ang .9mm na baril at agad na pinagbabaril ang biktima.
Ayon pa sa ilang saksi, hindi pa umano nasiyahan ang suspect sa ginawang pamamaril sa biktima at maging ang ilang bahay ay nagawa pa rin nitong paputukan.
Saka lamang naisugod sa pagamutan ang biktima nang pumasok na sa kanyang inuupahang bahay ang suspect nang dumating na ang mga rumespondeng pulis.(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended