P250,000 pabuya alok ni Barbers sa ninakaw na Sto. Niño
February 23, 2004 | 12:00am
Dahil sa pag-aalala at pagmamalasakit na muling maibalik ang ninakaw na 300 taong gulang na imahen ni Sto. Niño sa makasaysayang simbahan ng San Agustin noong isang linggo, nangako at nag-alok si reelectionist Senator Robert Bobby Barbers ng reward na P250,000 sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon na magbubunsod sa pagkakaaresto ng mga salarin.
Ayon kay Barbers, lubhang kagimbal-gimbal na nagagawa ito ng ilang taong di-maka-Diyos na nakawin ang banal na imahe ni Kristo na ayon sa kanya ay katumbas ng isang karumal-dumal na krimen.
"We are predominantly a Christian nation and stealing such an item that has historial, cultural and religious values goes beyond the sphere of an ordinary case of theft," dagdag ni Barbers.
Nanawagan din ang tagapangulo ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs sa mga miyembro ng Western Police District na doblehin ang kakayahan para maaresto kaagad ang mga responsable sa pagnanakaw ng imahen.
Si Barbers ay kilalang deboto ng Sto. Niño noon pa mang siya ay miyembro ng pulisya na nagsaad na sa maraming pagkakataon ay nagligtas sa kanyang buhay sa oras ng kagipitan sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang pulis. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended