Kumidnap at humoldap sa mag-iina,arestado
February 22, 2004 | 12:00am
Isang lalaki na nagpakilalang pulis ang dinakip matapos nitong dukutin at holdapin ang isang negosyanteng ginang at dalawang anak nito, kamakailan sa Parañaque City.
Iprinisinta kahapon ni SPD director Chief Supt. Prospero Noble ang suspect na nakilalang si Alex Igsoc, alyas Alex Tolentino, 34, ng NAIA Road Barangay Pulang Lupa, Las Piñas City.
Kinilala naman ang biktimang ginang na si Nelia Antonio, 54, ng Barangay San Dionisio ng nabanggit na lungsod kasama ang dalawang anak nito na hindi binanggit ang pangalan.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente noong Pebrero 17, dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-iinang Antonio.
Bigla umanong pumasok sa bahay ang suspect na nagpakilalang pulis Las Piñas at tinutukan ng baril ang mga biktima.
Kinulimbat nito ang pera at mga alahas ng mag-iina na aabot sa halagang P.2 milyon.
Hindi pa nakuntento isinama pa nito sa pagtakas ang mag-iina na isinakay sa isang asul na kotse na pag-aari ng pamilya Antonio.
Inikot-ikot nito ang mag-iina sa buong subdibisyon at pagkaraan ay iniwan ang mga ito sa loob ng sasakyan at saka mabilis na tumakas.
Sa isinagawang follow-up operation sa pamumuno ni Parañaque Police Chief Supt. Ronald Estilles nadakip kahapon ang suspect sa tinutuluyan nitong bahay sa Las Piñas City. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended