2 Chinese timbog sa 5 kilong shabu
February 22, 2004 | 12:00am
Limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon ang nasabat ng mga operatiba ng Western Police District (WPD)-Anti-Narcotics samantalang dalawang Chinese nationals ang naaresto sa isinagawang follow-up operation, kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Jian Zhongtian, 35, at Wu Yuting Zhongtian.
Nasabat ang dalawa dakong alas-10:30 noong Biyernes ng umaga sa Shell gasoline station sa kahabaan ng McArthur Highway ng naturang lungsod.
Ayon sa pulisya, kasalukuyan silang nagsasagawa ng surveillance sa naturang lugar patungkol sa mga illegal na operasyon ng droga ng mga Chinese national nang dumating ang hot car na gamit ng mga suspect, dahilan upang magduda ang mga awtoridad.
Kaagad umanong bumaba sa sasakyan si Jian Zhongtian habang hawak ang isang itim na garbage bag na ipinasa kay Wu Yuting kayat kaagad na sinita ng pulisya ang dalawa at madiskubre na droga ang dala ng mga suspect.
Bunsod nito kung kayat mabilis na ininspeksyon ng pulisya ang sasakyan ng mga suspect at narekober pa ang apat pang bag na naglalaman ng shabu.
May hinala naman ang mga awtoridad na ang dalawa ay miyembro ng transnational drug syndicate na kasama sa pagbebenta ng droga sa mga lugar sa Metro Manila, partikular na sa Binondo area, Caloocan City, Valenzuela City at Bulacan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended