^

Metro

Pagkidnap sa supporter ni FPJ, 'moro-moro'

-
Duda ng pulisya na "moro-moro" ang pagkidnap sa isang dating mediaman at supporter ni Presidential candidate Fernando Poe, Jr. matapos itong pakainin ng poster at painumin ng brake fluid ng kanyang mga kidnapper na naganap noong Miyerkules sa kahabaan ng C-5 Road, Taguig.

Sinabi kahapon ni Southern Police District Director, Chief Supt. Prospero Noble na kahit ayaw ng pamilya ng biktimang si Richard Rivera na magreklamo ay masusing iimbestigahan pa rin nila ang umano’y ginawang pagdukot dito ng hindi pa nakikilalang mga suspect.

Ito ay dahil sa nais nilang malaman ang katotohanan sa naturang insidente at sa kabila nito, hinikayat pa rin ng SPD na magreklamo si Rivera at ang pamilya nito, na ang idinadahilan ay wala naman umanong mangyayari sa kaso kung sila ay magrereklamo.

Samantala, ayon sa isang source sa SPD, may hinala silang "moro-moro" ang naturang insidente dahil sa umano’y kaduda-dudang pahayag ng biktima.

Ayon pa rito, kapag ang isang tao ay uminom ng brake fluid ay namamatay, samantalang si Rivera ay buhay na buhay.

Nabatid na si Rivera ay dating reporter ng Channel 9 na ngayon ay supporter ni FPJ. Napag-alaman pa na siya ay kaanak ni dating Press Secretary Rod Reyes, na ngayon ay opisyal na tagapagsalita ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP). (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

CHIEF SUPT

FERNANDO POE

LORDETH BONILLA

NAGKAKAISANG PILIPINO

PRESS SECRETARY ROD REYES

PROSPERO NOBLE

RICHARD RIVERA

RIVERA

SOUTHERN POLICE DISTRICT DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with