Bus bumangga sa poste ng MRT, nahati: 25 sugatan
February 20, 2004 | 12:00am
Dalawamput lima katao ang malubhang nasugatan makaraang bumangga ang isang pampasaherong bus sa poste ng Metro Rail Transit at mahati ito, kahapon ng tanghali sa Makati City.
Kaagad na isinugod sa Ospital ng Makati ang mga biktima na nakilalang sina Donna Rabacal; Vicky Peralta; Allan Delgado; Ferderico Israel; Amar Torecampo; Teresita Ramos; Mark John Quitoriado; Osorio Mendoza; Joseph Bulacan at Romeo Tan. Nagtamo ang mga ito ng malulubhang sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, ang driver na si Severino Jimenez ay kasama na isinugod sa Makati Medical Center at ang iba pang biktima ay inaalam pa ang mga pangalan. Ayon sa imbestigasyon ng SPD, Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng tanghali sa north-bound ng EDSA-Magallanes Village, malapit sa Mantrade, Makati City.
Nabatid na binabagtas ng isang Lippad Transit na may plakang NYB-405 galing Alabang ang naturang lugar nang mawalan ng preno ang bus at bumangga sa kongkretong poste ng MRT, Magallanes station. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng bus, nahati ito at naging sanhi ng pagkakadisgrasya ng 25 pasahero. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended