^

Metro

Kaso ng 2 bibitaying kidnapper muling pinabubuksan ng SC

-
Muling sinuspinde ng Korte Suprema ang pagbitay sa dalawang convicted kidnappers na sina Roberto Lara at Roderick Licayan kasabay nang pag-uutos sa mababang hukuman na muling pag-aralan ang mga bagong ebidensiyang ipiniprisinta patungkol sa kaso.

Batay sa apat na pahinang resolusyon ng SC en banc sa botong 8-6 ay ipinag-utos nito na ibalik sa sala ni Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch 272 Judge Reuben dela Cruz ang kaso ng dalawang nabanggit na akusado.

Ipinaliwanag pa ng SC na kailangang maibalik sa mababang hukuman ang records ng kaso upang tanggapin ang mga karagdagang ebidensiya para mabusisi muli ang kaso na dito isasabay din ang paglilitis sa dalawa pang bagong akusado na sina Pedro Mabansag at Rogelio delos Reyes.

Ipinag-utos din ng SC sa Marikina RTC na magsumite ng report nito sa SC sa lalong madaling panahon sa oras na matapos ang muling pag-aaral sa kaso ng mga ito.

Nilinaw naman ng SC na ito ay ituturing lamang na kasong pro hac vice o para lamang sa partikular na kasong ito.

Ipinaliwanag ng SC na ang mga affidavits na isinumite nina Mabansag at Delos Reyes ay maaaring gamiting ebidensiya para mabago ang desisyon ng bitay kina Lara at Licayan at tuluyang mapawalang sala ang mga ito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BATAY

CRUZ

DELOS REYES

IPINALIWANAG

JUDGE REUBEN

KORTE SUPREMA

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

PEDRO MABANSAG

ROBERTO LARA

RODERICK LICAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with