Batay sa ulat ng Central Fire Department, naganap ang sunog dakong ala-1 ng madaling araw sa ibabang bahagi ng Life Style Spa and Massage Parlor sa 11-D Malamig St. Kalayaan Ave. UP Village, ng nabanggit na lungsod.
Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang lahat ng kasangkapan ng nasabing establisimyento.
Bagamat walang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog, umaabot naman sa ikalawang alarma ang sunog.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog. (Ulat ni Doris Franche)